January 23, 2025

HALOS P2 DAGDAG-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO ASAHAN

Ngayon pa lang, dapat nang magpagasolina ang mga motorista dahil nagbabadya na namang tumaas ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ng halos P2 bawat litro, ayon sa industry sources.

Base sa inilabas na advisory ng Unioil, ang dagdag-presyo sa diesel ay P1.50 hanggang P1.70 kada litro, habang ang gasolina ay tataas naman ng P1.10 hanggang P1.30 per liter.

Nagsabi na rin ang Department of Energy (DOE) na posibleng magtaas ng presyo ang gasolina mula 90 centavos to P1.20 per liter, nasa P1.20 hanggang P1.40 kada litro ang diesel, at ang kerosene ay magiging P1.10 to P1.30 kada litro.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang taas-presyo ay batay sa four-day trading sa pandaigdigang merkado ng langis.
“Oil futures were little changed Thursday morning (April 4), taking a breather after a four-day winning streak attributed to fears of a wider conflict in the Middle East, especially the Israel-Hamas might spread to include Iran; the Ukraine attack on Russia’s oil refineries; the Opec’s (Organization of the Petroleum Exporting Countries) decision to continue its policy on production cut; and signs of stronger economic growth in the United States and India,” saad ni Romero.

Sakaling tama ang projections, ito na ang ikaapat na magkasunod na linggo na magkakaroon ng umento sa presyo ng langis


Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng gasolina ng 45 centavos kada litro, habang ang diesel at kerosene ay bumaba ng 60 centavos per liter at  P1.05 per liter, respectively.


Mula nang mag-umpisa ang taong 2024, ang kabuuang itinaas na presyo sa gasolina ay P8.20 kada litro at P4.50 per liter naman sa diesel.