SWAK sa kulungan ang apat na drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.2 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa magkahiwalay buy bust operation sa Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Mark”, 39, at alyas “Buboy”, 33, kapwa residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Cortes, naaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr., dakong alas-12:35 ng hating gabi sa buy bust operation sa Lapu lapu St., Brgy. Bangkulasi.
Ani Capt. Rufo, nasamsam nila sa mga suspek ang humgi’t kumulang 15.16 grams ng hinihinalang shabu na may (SDP) standard drug price value na P103,088.00 at buy bust money.
Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Lapu lapu St., Brgy. NBBS Dagat dagatan sina alyas “Miracle”, 26, at alyas “Potpot”, 26, kapwa ng lungsod.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 11.84 grams ng suspected shabu na may katumbas na halagang P80,512.00 at buy bust money.
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA