
KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng isang lolo matapos tagain ng kanyang kainuman sa Sitio, Tagunay, Brgy. Mindagat, Malitbog, Bukidnon.
Halos maputol na ang leeg ng biktimang si Rafael Ventura, 68, magsasaka at residente sa naturang lugar, nang tagain ng kanyang kapitbahay na si Julie Yagsang gamit ang isang karit habang nag-iinuman.
Maging ang asawa ng biktima ay nasugatan din nang atakihin ng suspek.
Agad namang nahuli si Yagsang at nakatakdang sampahan ng kasong homicide at frustrated homicide.
More Stories
CA binawi ang acquittal ni Leila de Lima sa isang drug case; kaso ibabalik sa RTC
ERWIN TULFO HANDANG MAGBITIW KUNG MAIPAPASA ANG BATAS KONTRA POLITICAL DYNASTY
KOREANONG WANTED SA DROGA, ARESTADO SA MAKATI