MANILA – Inutos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na palayasin ang halos sa 3,000 na Chinese sa bansa dahil sa paglabag sa kondisyon ng kanilang visa.
Ayon kay Morente, mula Enero hanggang Oktubre, umabot sa 2,736 Chinese nationals na nabigyan lamang ng visa pagtungtong nila ng bansa subalit nabigong lumisan sa itinakdang departure date pabalik ng China.
Base kasi sa Visa Upon Arrival system, papayagan lamang ang mga Chinese na manatili sa bansa sa loob ng 30 araw.
“More than half of those who were ordered to leave were blacklisted from our country,” said Morente. “While some were unable to leave due to circumstance, following the cancellation of many flights due to the pandemic, those who stayed without sufficient basis were included in our blacklist,” dagdag niya.
Ang programang VUA, na isang joint project ng Department of Tourism (DOT) at Department of Justice (DOJ), na inilunsad tatlong taon na ang nakalilipas upang hikayatin ang mga Chinese tourist, at payagan sila na bumisita sa Pilipinas nang hindi hihigit sa 30 araw at hindi na kailangan pang mag-apply ng visa sa Philippine consulates sa lugar na kanilang pinanggalingan.
“VUA arrivals account for only around 5% of total Chinese arrivals in the country,” ani Morente. “Most of those who arrived already secured their entry visas from our foreign posts abroad,” dagdag pa niya.
Pansamantalang sinuspinde noong Enero ang VUA system dahil sa COVID-19 pandemic.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA