OPTIMISTIKO ang organisador ng patakbong 7-Eleven Run 2023 na aabot sa 40,000 competitive ,club at fun runners ang sasagot sa starting gun at lalagpas sa naunang naitalang rekord participants ng karera simultaneous sa Manila,Cebu at Davao sa Pebrero 5,2023.
Ayon kina race top brass Michelle Saludez at Jun Ang sa nakaraang media launch na ginanap sa Torch Restaurant sa Greenhills,San Juan, tiyak na mas mataas ang entusiyasmo ng mga Visayas at Mindanao runners partikular din ang mga aarangkada sa Manila event sa Filinvest City,Alabang .
“Mas mataas ang adrenaline ng ating mga runners ngayon specially coming from pandemic ay back to normal na ang mga sports activities sa bansa especially running.See you all at the finish line,”wika ni Ang.
Ang 7-Eleven Run Series sa basbas ni Pres./CEO Vic Paterno ay nagsimulang rumatsada noong 2013 na naging taunang takbuhan hanggang maging simultaneous run na rin sa Cebu at Davao noong 2018.
Noong 2020 at 2021 ay naging virtual run ito dahil sa Covid 19 pandemya at nakabalik ito ng face-to-face event nitong nakaraang taon 2022 na nagtala ng higit 37,000 runners nationwide participation sa kaganapang suportado rin ng Gatorade, Pocari Sweat, Cornetto, Wilkins, Absolute, Cali, Cobra, Nature Spring, C2 at iba pa.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI