Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Ilang araw na lang, halalan na, mga kabayan.
Habang papalapit na ang eleksyon, dobol time na ang bawat kandidato. Ang iba ay sa pangangampanya at ang iba ay sa pamumulitika. Sa halip na lalong paigtingin ang kanilang plataporta at panunuyo sa bayan, puro pang-uupat naman ang ginagawa ng iba.
Ewan kong yung pangbubukol sa kanila ay galing sa ibang partido. Ang nasa isipan naman ng mga netizens, sa mismong partido ring galing ang propaganda. Alam naman ninyo kung sino ang tinutukoy ko na sinisiraan nila. At alam nyo rin kung sino ang tinutukoy ko na naninira.
Gayunman, malalaman natin sa darating na Mayo 9 ang pulso ng masa. Kung sino talaga ang gusto ng karamihan. Tinatanong pa ba ‘yan. E obyus naman.
Sila-sila na lang ang naglolokohan na gusto sila ng tao. Kinukondisyon ang isipan ng tao. Pati totoong bilang ng nasa rally nila, binabago. Ala ‘e kung ano ang sabihin ng organizer, yun nay un? Yung nasa 70-80K na tao, ginawang 412. A, yan nga pala ang matematika nila. Tsk!
Kaya, mga Ka-Sampaguita, maging matalino kayo sa pagpili ng iboboto. Huwag kayong pabubuyo dahil sa gusto lang makaganti. Sa iba naman, igalang n’yo ang saloobin ng iba. Huwag nyong tawaging bobo! Tapos i-educate nyo pa! Bakit, kayo lang ba ang edukado at mga elitist?
Tingnan natin kung sino talaga ang malakas sa Mayo 9.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE