Sa gitna ng ginagawang roadside cleanup project, isang barangay chairman ang pinagbabaril ng dalawang katao na magkaangkas sa motorsiklo sa Maragondon, Cavite, nitong madaling araw ng Sabado, Agosto 31.
Kinilala ni Maragondon police chief Major Cris Mangupay ang biktima na si Rodrigo Tanagras, 53, tserman gn Barangay Bridge A ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng clean-up drive si Tanagras kasama ang mga barangay health worker sa kanilang barangay nang biglang dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at biglang pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumagsak.
Isinugod si Tanagras, isang retiradong pulis, sa San Lorenzo Ruiz Hospital na malapit sa Naic subalit hindi na umabot pa ng buhay.
Patuloy na iniimbestighan ng pulisya ang motibo sa krimen.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA