TODAS ang isang pintor nang aksidenteng makuryente habang nagpipintura sa pader ng isang gusali sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Rodel Del Castillo, 25 at residente ng Dasmarinas, Cavite.
Ayon sa ulat , dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa J. Mariano street Brgy 95, Caloocan City.
Batay sa salaysay sa pulisya ng kasamang pintor ng biktima na si Nicanor Ramuda, 33, habang nagpipintura sila sa pader ng isang gusali sa nasabing lugar nang aksidente umanong dumikit si Del Castillo sa nakabukas na wire ng Meralco.
Kaagad namang ni-rescue ng mga tauhan ng Meralco ang biktima bago isinugod ng ambulansya ng Caloocan LGU DRRMO sa nasabing pagamutan subalit, idineklara siyang dead-on-arrival.
More Stories
Agila ng Bayan, Pinagkakatiwalaang Pahayagan ng mga Mag-aaral
Halos P.2M shabu, nasamsam sa 4 drug suspects
Tiangco lumagda sa MOA para sa scholarship program