November 5, 2024

Habang dumadaan ang convoy ni Rep. Mangudadatu ‘MAGUINDANAO NAGHIGPIT MATAPOS ANG HIGHWAY BLAST’

CAMP SIONGCO, MAGUINDANAO –  Nag-deploy ng karagdagang militar at pulis sa ilalim ng Joint Task Force Central  sa kahabaan ng highway na nagdudugtong sa probinsiya ng Cotabato City at Sultan Kudarat matapos ang nangyaring pagsabog sa bayan ng Guindulungan noong Sabado ng gabi.

Pinigilan ng nasabing pagsabog ang 30-vehicle convoy ni Rep. Esmael Toto Mangudadatu na dumaraan sa kahabaan ng highway sa Guindulungan malapit sa Army detachment sa gitna ng matinding pagbuhos ng ulan.

 “An improvised bomb went off but nobody was hurt,” saad ni Lt. Col. John Paul Baldomar, Army’s 6th Infantry Division spokespersos.

Naniniwala si Mangudadatu, na tatakbong gobernador sa susunod na taon, na siya ang target ng pagsabog na naganap dakong alas-6:30 ng gabi sa Sitio Pansol.

Muntik na kami ,” ayon sa post nito sa Facebook.

Ayon kay Mangudadatu, isa sa mga sasakyan ng kanyang 30-vehicle convoy ang nasapul ng pagsabog.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga awtoridad ng army at pulisya ang nangyaring insidente.

Wala pang umaamin na responsable sa nasabing pag-atake.