
INI-UNFOLLOW na ni Sarah Lahbati ang Gutierrez family, kinabibilangan iyan ng kanyang dating asawa na si Richard Gutierrez, Raymond, Ruffa at si Annabelle Rama sa kanyang IG [Instagram]. Pati sa kanyang pangalan ay hindi na niya gagamitin kahit kailan ang apelyidong Gutierrez, dahil sukang-suka na ang actress sa nasabing surname.
“Ang dahilan ay si Barbie Imperial, masakit kasi ang ginawa nila kay Sarah Lahbati, sinira muna nila ito sa social media mapagtakpan lang ang pambababae ni Richard Gutierrez.
“At sukang-suka na si Sarah, kaya never na niyang gamitin ang apelyidong Gutierrez. Sa ngayon ay uunahin muna niyang maka-move on na ng tuluyan, at kaya naman niyang mabuhay kahit wala sa mundo niya ang Mama’s boy niyang asawa.
“Kung iibig daw siyang muli, titiyakin niyang hindi Mama’s boy ang lalaking kanyang mamahalin at hindi Gutierrez ang taglay nitong apelyidong gamit. Titiyakin din niya na ang mother-in-law niyang pakikisamahan ay hindi isang palingkerang babae,” nakatawang pahayag ng aking source.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA