December 23, 2024

Guro, nilinis ng Olongapo court matapos mag-alok ng reward para patayin si Duterte

Ibinasura ng Olongapo court ang kasong inciting to sedtion laban sa teacher na si Ronnel Mas.

Base sa utos ni Olongapo City Regional Trial Court Branch 72 Judge Richard Paradeza na may petsang Hunyo 24, 2020 na natanggap ng abogado ni Mas noong Hunyo 25, pinagbigyan ng korte ang urgent motion to quash na inihain ni Mas.

Giit ng judge ilegal ang pagkakaaresto kay Mas.

Si Mas ay inaresto nang walang warrant sa Zambales at ikinulong sa Maynila sa loob ng isang linggo noong Mayo.
Matapos siyang kasuhan sa korte, nakapag-bail  siya ng 72,000 at agad namang nakalaya.

“No other evidence was gathered by the NBI operatives to pinpoint ownership of the said Twitter account except the statements of Julius Hallado,” ayon sa korte.
“Owing to the appreciable lapse of time between the arrest of the accused and the commission of the crime charged, it is safe to conclude that the arrest of the accused is unlawful,” dagdag pa rito.

“However, no matter how contemptible or reprehensible the post is, the person or persons subjected to be responsible to the posting of the subject provocative text should be afforded their constitutional rights.”

Matatandaan na inaresto ang nasabing guro ng NBI noong Mayo 12 matapos mag-alok ng P50-K sa Twitter sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.