DARAGA, Albay – Binawian ng buhay ang isang guro sa bayan ng Daraga kamakalawa ng alas -4 ng hapon, dahil sa stress sa trabaho.
Ayon sa kaanak ng biktima, mahusay na nagpaalam umano sa kanyang principal, na liliban muna siya sa kanyang trabaho, dahil sa masama ang pakiramdam, subalit hindi umano ito pinayagan ng punong guro dahil kailangan umano muna siyang i-CO (Class Observation).
Dahilan dito ay napilitan pa umanong pumasok ang guro upang ayusin ang mga kakailanganin para sa kanyang Class Observation na nakaschedule sa araw ng martes at nitong lunes ng hapon,
matapos pumasok sa pagtuturo ay nagkusa na ang guro na dalhin ang sarili sa Hospital pagkagaling sa ponapasukang paaralan.
Doon sa hospital na nang mawalan ng malay suot pa ang uniporming, tanda kanyang didikasyon sa propesyong kanyang minahal ng halos mahabang panahon at nitong nakaraang martes ay tuluyan na itong sumakabilang buhay.
Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng biktima dahilan sa sinapit ng masipag na maestra.
Wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng DepEd SDO-Albay at maging ang DepEd Regional Office 5 ukol sa pagkamatay ng gurong matapat sa kanyang tungkulin.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY