
SUGATAN ang isang guro matapos barilin ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army NPA habang naghahatid ng module para sa kanyang mga estudyante sa Tandag City, Surigao del Sur nitong nakaraang araw.
Patuloy na nagpapagaling ngayon ang biktimang si Eli Caniogo Apacible, principal ng Hitaob Elementary School sa Purok Hitao, Barangay Awisan ng nasabing lungsod.
Nabatid na maghahatid lamang ng module ang biktima para sa kanyang mga estudyante nang binaril ito ng sniper sa ulo.
Mapalad naman na hindi malubha ang tama ng guro sa nangyaring pamamaril at dinala agad sa ospital.
Kinondena ng Surigao Del Sur Provincial Office ang nangyaring pamamaril sa guro.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon