ISINAILALIM sa imbestigasyon ang isang guro sa isang eskwelahan sa Leyte matapos makuhanan ng video na pinag-squat ang ilang estudyante habang hinahampas ng walis tingting.
Ayon sa ulat, ang mga mag-aaral ay mula sa Burabod Elementary School sa Burauen, Leyte.
Sa video na ibinahagi ng kaanak ng isa sa mga estudyante, makikitang naka-squat sa tabi ng dingding ang mga estduyante habang palakad-lakad ang nasabing guro para sila’y saktan gamit ang walis tingting.
Ipinatawag na ng Department of Education (DepEd) sa Eastern Visayas ang school head at guro na sangkot sa insidente.
Sinabi rin ng DepEd na mariin nilang kinokondena ang anumang uri ng pang-aabuso, diskriminasyon o bullying sa mga estudyante.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW