HANDA nang arestuhin ng Senado si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung muling hindi sisipot sa pagdinig.
“Kung hindi sila dadalo, nasa kamay ni Senator Risa [Hontiveros] kung siya ay magre-request na mag-issue ng warrant of arrest para sila ay puwersahang padaluhin sa pagdinig ng Senado at pipirmahan ko ang warrant of arrest na ‘yon,” ayon kay Senate President Chiz Escudero.
Nakatakdang ipagpatuloy ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Genders Equality sa pamumuno ni Sen. Hontiveros ang pagdinig kaugnay sa illegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) bukas. Subject ng Senate hearings si Guo at umano’y pagkakasangkot niya sa illegal operations sa Tarlac simula pa noong Mayo.
Hindi dumalo si Bamban mayor sa pagdinig noong Hunyo 16, dahilan para mag-isyu si Hontiveros ng subpoena para sa kanyang pagdalo.
Sa isang panayan sa News5, sinabi ng abogado ni Guo na si Stephen David, ayaw dumalo ni Guo sa pagdinig bukas dahil na-trauma daw ito matapos mapahiya noong nakaraang pagdinig.
Kausap ko siya kahapon ng umaga. Ako, as much as possible, hinihikayat ko siya. Ang problema kasi masyado siyang traumatized sa pagpapahiya sa kanya. Physically and emotionally draining sa kanya lalo na ‘yung mga bashers ‘nya,” ani David.
Tiniyak naman ni David na nanatili sa bansa ang naturang alkalde.
“Magkausap kami sa phone, she assured me na nasa Pilipinas siya. Ako naniniwala ako na nasa Pilipinas lang siya,” aniya.
Sa isang panayam, sinabi ni Hontiveros na dapat respetuhin ni Guo at ng kanyang mga abogado ang batas sa bansa.
Our jurisprudence is clear and consistent. The Supreme Court has recognized that the invocation of the right against self-incrimination can only be done when a question is being asked,” pakli niya.
“Kung tunay na gusto niyang malinis ang pangalan niya, magpakita siya sa hearing, sumagot siya nang maayos, at tigilan niya na ang pagsisinungalin,” dagdag pa nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA