September 27, 2024

GUO HUA PING ANG TOTONG ALICE GUO?

Si “Guo Hua Ping” ba ang totoong Alice Guo?

Ito ang naging tanong ni Sen. Sherwin Gatchalian, matapos makakalap ng mga dokumento mula sa Board in Investment (BOI) at Bureau of Immigration (BI) na patuloy na nag-iimbestiga upang mahalungkat ang tunay na pagkatao ng suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac.

“Alice Guo might be Guo Hua Ping, who entered the Philippines on January 12, 2003, when she was 13 years old,” ani Gatchalian.

Lumalabas sa application ng pamilya Guo para sa Special Investors Resident Visa (SIRV) na ang totoong birth date ng Guo Hua Ping ay Agosto 31, 1990, ipinunto ni Gatchalian.

Binanggit din nito na ang nakarehistrong ina ni Guo Huang Ping ay isang Chinese na nagngangalang Lin Wen Yi.

Ang pinakabagong rebelesyon ni Gatchalian ay taliwas sa unang pahayag ni Mayor Guo na siya ay bunga ng kanyang ama at kanyang kasambahay.