Hindi maintindihan ni Senator Robin Padilla ang lohika ng pagpapatupad ng gun ban na saklaw ang mga responsableng gun owners.
Ito ang dahilan kaya nais ni Padilla na busisiin ng Senado ang pagpapatupad ng gun ban ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Padilla, maghahain siya ng resolusyon ukol dito sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.
Inilahad ni Padilla na personal niyang tatanungin ang Comelec kung bakit kailangang ang mga responsible gun owners ang apektado ng gun ban habang ang mga kriminal ay malayang nakakagamit nito.
Para sa senador, malaking kalokohan na ang mga legal holders ang magiging saklaw ng gun ban.
Samantala, sinimulan na ni Padilla ang kampanya para sa responsableng pag-aarmas sa pamamagitan ng paghikayat sa lahat na idaan sa legal na paraan ang pagbili at pagkakaroon ng baril.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA