NAGTALA ng panibagong record sa kasaysayan ng NBA si Dallas Mavericks star Luka Doncic na labis na ipinagdiwang ng kanyang mga fans.
Siya lamang kasi ang unang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagtala ng triple-double sa first half lamang ng laro.
Naganap ang nasabing pagsungkit nito ng record nang talunin ng Mavs ang Utah Jazz.
Sa first half lamang ng laro ay nagtala na si Doncic ng 29 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nalampasan na rin nito si NBA legend Larry Bird na mayroong 60 triple double sa kanyang career. RON TOLENTINO
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS