December 25, 2024

Gumaling sa COVID-19 na mga Pinoy na nasa abroad, dumami

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga gumaling na Pinoy na nasa labas ng bansa na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa pinakabagong datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot sa 5,927 ang nakarekober na mga kababayan nating nasa abroad habang 3,323 ang aktibong kaso at 733 ang namatay.

Kasalukuyang nasa 9,983 ang kabuang bilang, matapos madagdagan ng walong panibagong kaso mula sa Asia Pacific at Europe.

Karamihan sa aktibong kaso na kasalukuyang ginagamot sa Middle East/Africa region na may 2,350, sinundan naman ito ng Europe na may 445, sa Asia Pacific ay may 368 at sa Amerika na may 160.

“Compared to last week’s percentages, the total number of Filipinos who have recovered from Covid-19 increased slightly to 59.37 percent of the total confirmed cases, while those who are under treatment saw a slight decrease to 33.62 percent. Meanwhile, the percentage of fatalities among Covid-19-affected Filipinos abroad remains at 7 percent,” ayon sa DFA.
“No new deaths were reported by its foreign service posts” dagdag pa nito.

Bukod sa kanilang pagmomonitor sa COVID-19 cases kasama na ang mga Pinoy na nasa ibang bansa, patuloy pa rin ang DFA sa pagpapauwi ng libo-libo nating kababayan mula sa iba’t ibang bansa.

Noong Sabado ng gabi, 256 na overseas Filipino workers mula Uzbekistan ang nakabalik na sa Maynila sa pamamagitan ng special flight sa pakikipagtulungan ng DFA.