November 18, 2024

GUMAGAMIT SA PANGALAN NG ‘FIRST LADY’ ISUMBONG (Liza Marcos, itinangging nakialam sa military appointments)

Nagbabala si First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga taong gumagamit sa kanyang pangalan upang magkaroon ng puwesto sa gobyerno.

Hindi na napigilan ng Unang Ginang ang kanyang pagkadismaya kung saan sa isang kumalat na video sa social media, sinabi ni Mrs. Marcos na isusumbong niya sa kanyang asawa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan para hindi na ma-appoint ang mga ito.

“If  I find out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay?” anang Unang Ginang.

Ang video ay ginawa ng Unang Ginang habang naglalakad sa loob ng Presidential Security Group (PSG) Compound.

Itinanggi rin nito na may kinalaman siya sa pagtatalaga ng mga opisyal sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines dahil ang lahat ay ipinapaubaya niya sa kanyang asawa.

“This is Liza, and I’m walking in the PSG Compound. I just want everyone to know that I have nothing to do with ISAFP. I don’t know the people involved. I have nothing to do with the appointments, I leave that up to my husband,” ani Marcos sa ginawang video.

Sa huli ay sinabi ni Marcos na hindi niya gusto at napapagod na siya sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan. Kasabay nito ay ipinakiusap din nito na ipakalat ang kanyang ginawang video.