TODAS ang isang 67-anyos na barangay kagawad dahil sa sumabog na gulong sa isang vulcanizing shop sa Camalanuigan, Cagayan nitong Miyerkules.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Demi Balianca, kagawad ng Barangay Cullit, Lal-lo, Cagayan.
Ayon sa imbestigasyon, agad binawian ng buhay si Bilanca matapos tamaan ng sumabog na gulong ng trailer truck.
Galing sa bukid ang biktima at pauwi sakay ng motorsiklo nang masiraan ng gulong kaya dinala niya ito sa vulcanizing shop nang mangyari ang insidente.
Sa lakas ng pagsabog, nawasak ang bubong at bintana ng vulcanizing shop.
Ayon sa pulisya, human error ang dahilan ng pagsabog ng gulong dahil sa nasobrahan sa hangin mula sa compressor. Dahil dito, hinuli ng pulisya ang vulcanizer na si Edison Garcia, 44, na may pananagutan sa nasabing insidente.
Nahaharap si Garcia sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA