

Hinatulan ng korte na makulong ng anim na buwan ang administrator ng isang relihiyon na si Guia Cabactulan dahil sa visa fraud.
Lumalabas sa court documents, inamin nina Cabactulan at Amanda Estoparte na sangkot sila sa visa fraud operation. Simula noong 2015 hanggang 2020 ay sangkot sila sa sham marriages o pekeng kasal para magkaroon ng permanent resident status ang kanilang mga miyembro.
Kasama si Cabactulan sa mga sinalakay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) noong 2020 sa kanilang headquarters sa Los Angeles.
Mahaharap siya sa anim na buwang pagkakakulong at dalawang taon ng supervised release. (BG)
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela