IPINAG-UTOS ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang pagpapasara sa isang pool resort matapos itong dagsain ng mga tao.
Ayon kay Malapitan, nakatanggap siya ng tip kaugnay umano’y “picnic” sa Gubat sa Ciudad. Karamihan sa mga ito ay galing pa sa Meycauayan, Bulacan.“Buong puwersa ng batas ang ipapataw sa mga may-ari at operator ng resort kasama na ang mga nag-swimming at ang mga pinuno ng barangay na tila nagpabaya sa kanilang tungkulin,” ani ni Malapitan sa isang Facebook post noong Linggo, matapos kumalat sa social media ang larawan ng mga nagsi-swimming.
Ayon sa alkalde, kasong paglabag sa COVID-19 protocols ang kahaharapin ng Gubat sa Ciudad management, mga opisyal ng Barangay 171, at guest na nahuling nagsi-swimming.
Kapwa bahagi ng NCR Plus Bubble ang Caloocan at Meycauayan kung saan bawal ang malaking pagtitipon hanggang Mayo 14.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR