Nabiktima diumano si Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon ng mga fake food deliveries o ‘fake booking’ sa huling araw ng kanyang pagiging opisyal ng nasabing ahensya.
Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Guanzon na kagabi pa siya nakakatanggap ng mga fake booking mula sa mga food app.
“Since last night there are bogus food delivery orders to @COMELEC under my name. Police are investigating. Beware!” ani Guanzon.
Hanggang kanina ay may dumadating parin na mga food deliveries na hindi na tinanggap pa at binayaran ni Guanzon.
Sa ulat ng government-owned media company na PTV News ay makikita ang isang grupo ng mga food delivery rider na natulala na lamang dahil sa pagiging biktima nila ng fake booking.
Nagkakahalaga ng P5,390 ang nasabing pagkain na binayaran naman ng ilang imigrante matapos nilang mapanood sa ilang vlogger na nasa COMELEC ngayon ang kalagayan ng mga nasabing food delivery rider.
Nagpasalamat naman ang crew ng nasabing fast food restaurant sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na sumambot sa fake booking kay Guanzon.
Ayon sa vlogger na si Sniper Victory TV na tumulong sa biktima ay alam niya ang pakiramdam ng isang biktima ng fake booking dahil sa isa rin siya noong food delivery rider.
“Sabi ng mga OFW wag nalang ipabalik [sa restaurant ‘yung pagkain] ipakain nalang sa mga vlogger na andito,” sabi ng Sniper Victory.
May mensahe rin ito sa mga gumagawa ng fake booking.
“Parang awa niyo naman po kawawa yung mga naghahanapbuhay,” sabi ng vlogger “Iniistorbo niyo ‘yung naghahanap buhay.”
“Maghanap nalang kayo ng ibang trabaho, wag niyo ng guluhin ‘yung mga naghahanap buhay ng matino,” dagdag niya pa.
Hindi naman maitago ni Guanzon ang pagkaawa sa mga food delivery rider na naging biktima ng fake booking.
“Ang sasama nila. Kawawa mga pobreng food riders.” ani Guanzon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA