
Pinatid ng Golden State Warriors ang 18-game winning streak ng Phoenix Suns sa isang blowout win, 118-96. Bumida si Stephen Curry sa panalo sa pagbuslo ng 23 points, 5 boards at 5 assists.
Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 19 points, 5 rebounds at 2 assists. Bumira naman para sa Suns si DeAndre Ayton ng 23 points, 6 boards at 2 blocks. Si Chris Paul naman ang kumana ng 12 points, 8 assists at 3 boards.
Samantala, pinilay naman ng Utah Jazz ang Boston Celtics sa iskor na 137-130. Gumawa si Donovan Mitchell para sa Jazz ng 34 points at 6 assists. Tumikada naman si Rudy Gobert ng 18 points, 12 boards at 2 blocks.
Sa panig naman ng Celtics, nanguna si Jayson Tatum s apagtipa ng 37 points, 6 boards at 5 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT