November 2, 2024

GSIS tutukan ang digitalization upang mapahusay ang customer experience

INIHAYAG ni Government Service Insurance System (GSIS) president and general manager Wick Veloso sa isang press conference sa Pasay City na kanyang tutukan ang digital transformation ng GSIS para makapagbigay ng ultimate customer experience para sa mahigit dalawang milyon na miyebro nito at pensioners.

“I want GSIS to be the ‘gold standard’ or the benchmark for public sector digitalization,” saad ng opisyal.

“We will achieve this by harnessing the power of information technology (IT) to give our stakeholders faster, better and more convenient service,” dagdag pa nito.

Ito’y bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa mga ahensiya ng gobyerno na lumipat sa digital platform.

Binigyang-diin pa ni Veloso na titiyakin niya na ang ‘hard-earned premium contributions’ ng mga miyembro ng GSIS ay nai-invest nang maayos upang mabayaran kaagad ang kanilang mga benepisyo.

Kabilang rin sa kanyang mga prayoridad bilang pension fund chief ang tiyakin na ang lahat ng ari-arian at interes ng gobyerno ay insured sa GSIS.

“To grow our general insurance business and protect government assets, we will market our insurance products to governors, mayors, and all officials of the different branches of government,” saad ni Veloso.

Idinagdag niya na isusulong niya na gawing bahagi ang insurance ng “good governance.”

Sa ilalim ng batas (RA 656), inaatasan ang GSIS na magbigay ng insurance cover sa lahat ng government assets at properties na may insurable interests.

Inihalal si Veloso bilang GSIS president at general manager ng GSIS Board of Trustees noong Hulyo 21. Siya ay isang veteran banker na may 40 taon na banking experience at isang multi-awarded CEO na responsable sa financial success ng Philippine National Bank at HSBC-Philippines, gayundin ang iba pang banking institutions.