February 24, 2025

GSIS NAKAPAGTALA NG MATAAS NA NET INCOME NOONG 2024

Ibinida ng Government Service Insurance System (GSIS) na umakyat sa P135.7 bilyon ang kanilang net income mula sa mga operasyon noong nakaraang taon, tumaas ng 21% mula sa P112.1 bilyon na naitala noong 2023.

Sa isang pahayag, sinabi ng GSIS na ang kabuuang kita ay tumaas ng 10.29 porsyento sa P326.86 bilyon dahil sa strong returns  mula sa investment at insurance operations.

Ayon pa sa state-led pension fund, na ang P13.27 bilyon na kita mula sa pamumuhunan ay nagmula sa foreign exchange, ang P11.24 bilyon ay nagmula sa global private equity investments sa pamamagitan ng external fund managers, at ang P3.09 bilyon ay nagmula sa local equity investments.

Umabot ang total assets sa P1.83 trilyon, na lumago ng 9.23 porsiyento mula sa nakaraang taon.

Sinabi rin ng state insurer na nakapag-disburse sila ng P179.92 bilyon sa mga claim at benepit payments noong 2024. Bukod dito, nagbigay rin sila ng loans na nagkakahalaga ng P370.65 bilyon.

Dagdag pa nito na nagbigay sila ng P2.84 bilyon sa housing assistance para sa humigit-kumulang 3,360 pamilya.

Sinabi rin ng state pension fund na ang kabuuang insurance premiums na naitala noong noong nakaraang taon ay umabot sa P10.6 bilyon, na lumampas sa kanilang target na P8.5 bilyon.

“Beyond the numbers, these programs represent our commitment to provide support at critical moments,” saad ni GSIS president Wick Veloso.