January 21, 2025

GSIS NAGPAHIRAM NG P208-B PARA SA 790K MEMBERS (Sa unang taon ng MPL FLEX)

UMABOT sa P208.17 bilyon ang napahiram ng Government Service Insurance System (GSIS) sa 790,514 miyembro nito sa pamamagitan ng kanilang Multi-Purpose Loan Flex (MPL Flex.

Inilunsad noong Setyembre 2023, ang MPL Flex program ay idinesenyo upang bigyan ang government employees ng flexible financial solution na nag-aalok ng pinakamababang interest rate na pinalawig ang panahon ng pagbabayad ng hanggang 15 taon.

Ang mga miyembro ay maaring humiram ng hanggang 14 na beses ng kanilang basic monthly salary hanggang sa maximum loan limit na P5 milyon.

“Loan proceeds can be used as seed capital for small businesses, providing an additional stream of income. I encourage our members to maximize the benefits of MPL Flex for personal and investment purposes,” ayon kay GSIS President and General Manager (PGM) Wick Veloso.


“Eligible members include active and special GSIS members who are not on leave without pay and have made at least one-month premium payment. They must also meet the General Appropriations Act requirement of a net take-home pay of at least P5,000 after all deductions have been made,” dagdag pa nito.

Maaring mag-apply ang mga miyembro sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app o ang GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks para sa mabilis at paperless na proseso.

Papasok ang naaprubahang loan sa e-Card account ng mga miyembro sa loob ng isang araw matapos aprubahan ng Authorized Agency Officer ng ahensiya.

Inanunsiyo rin ng GSIS na ang mga miyembro na humiram sa ilalim ng MPL Flex Program sa pamamagitan ng GSIS Touch o GWAPS pero hindi napili sa nakaraang raffle ay may pagkakataon pang manalo ngayong taon sa “GSIS Touch and Win” raffle.

Aabot sa P1.5 milyon ang ipamimigay, kung saan 300 lucky winners ang makatatanggap ng tig-P5,000.

“This unprecedented milestone of MPL Flex’s first anniversary only strengthens the GSIS mandate to continue to provide accessible loans to our members. The MPL Flex Loan Program is a vital resource in helping them achieve their financial goals while ensuring overall well-being,” dagdag ni PGM Veloso.

Para sa karagdagang impormasyon para sa MPL Flex, maaring bisitahin ng mga miyembro ang GSIS website sa www.gsis.gov.ph, i-follow din ang kanilang GSIS Facebook page (@gsis.ph), mag-email sa [email protected], o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747.