Naglunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng isang loan buyout program na naglalayong tulungan ang mga government employee na i-consolidate ang kanilang mga utang at mabawasan ang pasanin pagdating sa pinansiyal.
Ang inisyatiba ay nag-aalok ng interest rates na mababa sa 6% at pinapayagan ang mga miyembro na pagsamahin ang multiple loans sa single, lower-interest plan at may mahabang payment terms.
Ayon kay GSIS President and General Manager Arnulfo Veloso, na inilabas ngayong araw, idinesenyo ang nasabing programa upang protektahan ang public sector workers mula sa high-interest lending options.
“Through the MPL Max, we are throwing a lifeline to our members who are weighed down by debt,” aniya.
“This goes beyond consolidating loans – we are helping our members rebuild their lives by creating a clear path to financial recovery and stability,” dagdag pa nito.
Ang programang ito ay nangangailangan ng memorandum of agreement sa pagitan ng GSIS at agency ng miyembro.
Kapag na-finalize na, maaaring mangutang ang mga empleyado ng hanggang 19 na beses ng kanilang sahod o PHP5 milyon, alinman ang mas mababa, na may mga termino ng pagbabayad na hanggang 10 taon.
Ang MPL Max ay walang karagdagang bayad sa mga umiiral na GSIS loans; walang service fees at libreng loan insurance; walang penalty sa pre-termination option; at direktang pagbabayad sa mga lending institutions para sa mas madaling pag-aayos ng utang.
Para maging kwalipikado, kailangan nakapagbayad ang mga miyembro ng hindi bababa sa isang buwan ng premium contributions sa loob ng nakalipas na anim na buwan, walang existing na multi-purpose loands at walang defaulted na GSIS Financial Assistance Loans. Wala rin dapat silang administrative o criminal case, at may sapat na net-take-home pay, bilang required sa General Appropriations Act.
Kabilang sa required na mga dokumento ay ang application form, borrower loan agreement at loan voucher o iba pang certified documents na nagpapakita ng existing loans. Kailagan din ng statement of account mula sa lending institutions na may confirmation of correctness ng borrower, kabilang ang kopya ng ID ng authorized representative ng lending institution na magki-claim ng tseke mula sa GSIS at latest na pay slip.
Ayon sa GSIS, kailangan ng mga miyembro na isumite ang kanilang mga dokumento ng personal matapos mag-set ng appointment sa pamamagitan ng GSIS Touch facility. “Our appointment system guarantees that each member receives proper attention when applying for this financial relief program,” ayon kay Veloso.
Matapos maaprubahan, direktang babayaran ng GSIS ang utang ng mga miyembro sa lending institutions. Ang anumang natitirang halaga pagkatapos ng pagbabayad ng utang ay idedeposito sa GSIS eCard o regular na ATM account ng miyembro. Awtomatikong ikakaltas ang monthly payments sa sahod ng miyembro.
Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa MPL Max program, maaring bistahin ng mga miyembro ang GSIS website sa www.gsis.gov.ph o GSIS Facebook page, @gsis.ph; email [email protected]; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747.
More Stories
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48
PNP itinanggi ang tangkang pagpatay sa Magsasaka Party-List nominee
Agri chief nagdeklara ng food security emergency sa bigas