NAKAHANDA na ang emergency loan program ng Government Service and Insurance System (GSIS) sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Kristine.
Sa statement, ayon sa GSIS na ang kanilang financial assistance sa mga miyembro at pensyonado na tinamaan ng kalamidad ay bukas na at maaari nang i-avail lalo na sa mga kababayan sa Albay at Naga City.
Patuloy ang monitoring ng GSIS sa iba pang lugar sa Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Central Visayas, Negros Island Region, Eastern Visayas, at Mindanao para sa mga posibleng deklarasyon ng state of calamity.
Sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso, hinihikayat nila ang mga miyembro at pensyonado na gamitin ang GSIS Touch sa pag-apply ng loan para sa ligtas at mabilis na transaksyon.
Sa pamamagitan ng GSIS Touch, mas magiging madali ang pag-a-apply ng loan, mababantayan ang premium remittances, loan at insurance payments, pag-access sa membership at pension records.
Ang mga miyembrong walang kasalukuyang emergency loan ay maaaring humiram hanggang P20,000 habang ang mga mayroong existing balances ay maaaring mag-apply hanggang P40,000.
Ang emergency loan ay may interes rate na 6% per annum at payable ng tatlong taon.
Para makwalipika sa loan, ang mga miyembro ay dapat employed, hindi naka-leave without pay, at walang pending administrative o legal cases, at nakapaghulog ng anim na buwang premium, at may net take-home pay na nasa 5,000 pesos.
Ang mga pensyonado naman ay dapat may natitirang net pension na nasa 25% ng kanilang pension matapos ang loan amortization para makwalipika.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA