
PUSPUSAN na ang marubdob na ensayo ng mga miyembro ng GSF Tanay Raven SIKARAN team upang ipagpatuloy ang kanilang winning tradition sa larangang taal na sariling atin na isinilang sa lalawigan ng Rizal mismo.
Ang powerhouse team mula Tanay na suportado ng Local Government Unit (LGU) ay nasa comprehensive training sa itinatag ni GSF Raven Tanay SIKARAN founder/CEO Master Crisanto Cuevas na Tanay SIKARAN Martial Arts School sa Damaso Libis, Bgy. San Isidro ng naturang bayan.
“Determinado ang mga bata na panatilihin ang ating winning tradition sa national na in scope ang ating traditional sport na SIKARAN,” wika ng nominado sa World’s Greatest Martial Arts Texas USA 2025 na si Cuevas ng Pilipinas.
Ikinagagalak din ni Cuevas ang mabilis na progreso ng SIKARAN sa buong kapuluan kung saan halos lahat na ng mga pangunahing bayan at siyudad ay mayroon nang SIKARAN groups na ayon kay MCC ay isang napakalusog na development na lalo pang sisigla sa malaong hinaharap.
Nakatakdang bumalik sa bansa sa darating na Mayo si Cuevas upang personal na agapayan ang kanyang koponan sa ensayo at preparasyon. Siya ay nasa Estados Unidos working professionally with pride at bilang secretary general ng World SIKARAN Foundation na itinatag naman ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag. |
“Nagpapasalamat ang inyong lingkod sa lahat ng tagasuporta ng ating Aklan -bound team na determinado naman to “bring home the bacon,” aniya. (DANNY SIMON)
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE