Sa nangyaring nationwide consultations na isinagawa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), napili ng rank-and-file workers sa lahat ng industriya ang Uniteam tandem nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at kanyang running mate na si vice presidential candidate Sara ‘Inday’ Duterte-Carpio bilang susunod na mga lider na mamumuno sa bansa.
Samantala, inanunsiyo ni TUCP President and TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza na magsasagawa ang labor center ng formal endorsement nina Marcos at Duterte-Carpio sa loob ng linggong ito kasama ang mga nasa listahan ng senatorial candidates na kanilang susuportahan.
Sinabi ni TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na ang pagpili ay mayoryang desisyon mula sa mga manggagawang nagtatrabaho sa mga pangunahing industriya tulad ng service, agriculture at manufacturing sectors sa Luzon, Visayas at Mindanao sa isang serye ng online at hybrid face-to-face at pinagsamang mga caucus na nagsimula noong huling bahagi ng nakaraang taon at hanggang noong nakaraang linggo.
“The vote advantage of Mr. Marcos and Ms. Duterte-Carpio and with those four other pair of presidential and vice-presidential aspirants was very wide. It was an overwhelmingly majority decision in all caucuses held differently in Luzon, Visayas and Mindanao,” ani ni Tanjusay.
Pinapili ang union members sa pagitan ng aspirants na sina Marcos and Duterte-Carpio, Leni Robredo at Kiko Pangilinan, Isko Moreno at Doc Willie Ong, Panfilo Lacson at Tito Sotto, and Manny Pacquiao at Lito Atienza, dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA