Nanawagan ang President ng League of Parents of the Philippines na si Remy Rosadio na huwag aprubahan ng mga mambabatas sa Senado ang House Bill 10171 o Security Bill 2022 o University of the Philippines o UP Security Act.
Sa programang Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangkaunlaran o UP UP Pilipinas ng Philippine Air Force, inihayag niya ang panukala na ito ay magbibigay proteksyon sa mga Sparu Units ng CPP-NPA na magtatago sa likod ng UP.
Ito ay sinang-ayunan din ni Ka Eric Almendras ng SAMBAYANAN at ipinaliwanag na kung magiging batas ang panukala ay magiging safe houses at breeding ground ang UP para sa pagbubuo ng mga assassination squadsng CPP-NPA-NDF at iba pang recruitment operations.
Dagdag pa ni Ka Eric, sa pamamagitan nito, hindi magiging epektibo ang law enforcement operations ng AFP at PNP dahil magiging exempted ang UP hagga’t hindi nagbibigay ng permiso ang administrasyon ng UP.
Bukod dito, aniya hindi nasa ilalim ng UP ang AFP at PNP bagkus ang UP ang nasa ilalim ng pamahalaan na dapat kilalanin ng mga mambabatas at administrasyon ng UP.
Sinabi pa niya na hindi dapat gawing tauan, lunsaran at maging build-up area ang UP para mapangalagaan ang teroristang interes ng sa loob ng mga campuses nito.
Inihayg din ni President Remy Rosadio na dapat ang isinusulong na mga batas ay ang pagpapaaral sa pangangalaga at karapatan ng mga magulang at kabataan na hindi biktima ng terrorist recruitment ng CPP-NPA-NDF.
Nakatakda rin na patuloy na manawagan ang mga grupo ng mga magulang sa mambabatas sa Senado upang hindi maapruba ang panukala para sa kapakanan ng kanilang mga anak na nag-aaral sa nasabing unibersidad.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA