Kinasa ng mga kabataan sa tarangkahan ng Mendiola upang pukpukin ang CHED, DepEd, at si Duterte sa kapalpakan at kawalan ng aksyon nitong kamtin ang mga rekisitos para sa ligtas na balik-eskwela.
Ipinapanawagan rin ng mga kabataan ang agarang pagsasabatas ng Student Aid Bill, na nakabinbin sa mababang kapulungan, upang matulungan ang mga mag-aaral sa mga kinakaharap na suliranin sa kasalukuyang moda ng edukasyon.
Ayon kay Raoul Manuel, national spokesperson ng Kabataan partylist, hirap na hirap na umano ang mga kabataan dahil magdadalawang taon na ay distance learning pa rin ang inihahaing solusyon ng gobyerno.
“Hindi puwedeng record holder tayo, tayo na lang naiiwan na bansa na hindi binibuksan ang mga paaralan… Kung bukas ang mga pasugalan, kung bukas ang mga mall, bakit sarado ang mga paaralan?” giit niya.
Tuloy-tuloy aniya ang gagawing pangangalampag nila para igiit ang kanilang mga panawagan.
Binatikos din ng ACT Teachers partylist ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na dapat “ipagdiwang” ang “tagumpay” ng pagbubukas ng klase.
Sabi ng grupo, “bare minimum” lang ang ginawa ng DepEd at walang kapuri-puri dito.
“What’s there to celebrate? Another school year of school closure, making the Philippines one of the last in the world to re-open schools amid the pandemic? Stop patting yourselves on the back for doing the bare minimum of re-opening classes while failing to address major issues in education,” anila.
Bukod sa Pilipinas, Venezuela na lang ang isa pang bansang walang face-to-face classes.
Sa huling tala ng DepEd nitong Lunes, 24.6 milyong estudyante ang enrolled sa basic education, o katumbas ng 93.8 percent ng enrollment noong isang taon.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna