Humingi ng paumanhin si Greg Slaughter sa management ng Barangay Ginebra. Ito’y kaugnay sa “misunderstanding” dahil sa kanyang desisyon na kumuha ng leave.
Patungkol dito, hiniling rin ni “Gregzilla” na muling makabalik sa team upang makapaglaro.
Sa kanyang Instagram post noong Martes, humingi ng paumanhin si Slaughter. Una, ay sa president ng San Miguel Corporation na si Ramon S. Ang
Gayundin sa director ng sports na si Alfrancis Chua. Nagdesisyon si Slaughter na magpahinga at lumipad sa Estados Unidos. Sa gayun upang magsanay matapos mag-expire ang kanyang kontrata noong Enero.
“My only regret is that the communication between myself and (the) management, particularly Boss RSA and Coach Alfrancis Chua, did not go smoothly as I would have wanted,” saad ng 32-year-old cager.
“I want to apologize to them and the rest of (the) management for any misunderstanding or bad feelings that may have occurred because of my decision,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2