November 3, 2024

‘GREED IN TIME OF NEED’

ANG mga ordinaryong mamamayan,takot na pag may parating na banta ng kalamidad at mistulang basang sisiw matapos manalasa ngitngit ng kalikasan dahil walang masilungan kapag walang saklolong aasahan.

Pero kaiba ito sa mga sakim, ganid,switik na maraming mga nakaangat sa lipunan pati iyong mga may katungkulan sa pamahalaan o iyong mga organisasyong may ginagampanang papel sana para sa bayan.

Habang nagdurusa at hirap ang mga kapuspalad na biktima bg trahedya ay sinasamantala naman ang lunos na sitwasyon ng mga tusong ‘hayop sa damo’ para sa kanilang pansariling katakawan sa anumang paraan

Nagiging dahilan nilanila ito upang manghingi ng DONASYON sa mga mas mapapalad na malalambot ang puso na mga mayayamang tao kahit saan panig ng mundo na ang pronta ay para sa mga kawawang sinalanta ng kalamidad.

Ang kanilang mapanlinlang na panawagan ay tinutugon naman para sa temang bayanihan kaya bulto ang perang ayuda at mga donasyong pangunahing pangangailangan na ipinadaan sa mga di sana dapat pagdudahan kaya dito pumapasok ang kaganiran at kasakiman.

Ang mga donasyon ay ibinubulsa at latak na lamang ang para sa rasyon. Kayang-kaya nilang dedmahin ang singil ng kanilang konsensiya at karma. Kaya habang nagdarasal ang mga relihiyosong mamamayan na iligtas sila sa trahedya ay humihiling naman ang mga ganid kay

‘Taning na muling manalasa ang trahedya para muli silang kumita at the expense ng mga biktimang nagdaralita. GREED IN TIME OF NEED!

May mga super yaman at higanteng network na ginagamit ang krisis ng bayan para makapangalap ng bilyong salaping donasyon para sa mga biktima daw pero sa halip ay suwerte na sa limang porsiyento lang ang makararating sa mga tunay na nangangailangan.

GREED IN TIME OF NEED!! Noong namalasa ang super typhoon Yolanda noon , buong mundo ay tumulong upang makabangon ang mga biktima ng trahedya pero angga ngayon,di pa makwenta kung saan napunta ang ayuda.Ang mga umepal na mga pulitiko ,taga-gobyerno noon ang nagpasasa ng donasyon na hinahanap hanggang sa kasalukuyan.

GREED IN THE TIME OF NEED!! Kahit ang outbreak ng PANDEMYA,, lumabas ang kasuwapangan sa panahon ng pangangailangan. May inilaang ayuda ang pamahalaan para sa mga nawalan ng pagkakitaan pero pinagkakitaan ng mga kruk na mga lokal na opisyal upang ibulsa ang para sa masa habang ang mga hangal na kritiko ay sinasamantala upang ibagsak ang gobyerno.

GREED IN THE OF NEED! Ramdam ng buong mundo ang dusang dinaranas ng mamamayang Pilipino dahil sa pananalasa ng super bagyong Rolly kamakalawa sa Katimugang Luzon kaya handa silang tumulong at magpadala ng donasyon sa nakakalunos na bayan nating laging naadya sa trahedya.

Mantakin bang kahit sa gitna ng sama ng panahon ay hinahagupit pa ng oposiyon ang nasa timon para sila ang maka-posisyon. Heto ang nakakasukang anunsiyo ng mga ganid, sakim at atat sa panahon ng pangangailangan ng bayan. ” Lahat ng donasyon .Ideretso sa tanggapan ng Pangalawang Pangulo!! GREED? THEY REALLY NEED for 2022… INDEED!!!