Lumagda ng kontrata sa BaliPure si Graze Bombita. Kaya naman, may pagkakataon na muling pumelo ang 30-anyos na volleybelle.
Pumirma ang veteran volleybelle sa Purest Water Defenders noong May 16. Ang nasabing team ay naging koponan din niya sa loob ng 2 taon.
Dahil dito, magsisilbing lider si Graze sa young team na papalo sa 2021 Open Confence ng PVL.
Sa 2019 line-up nito, 3 na lang siya ang naiwang original nito. Kabilang si Shirley Salamagos at Satriani Espiritu.
Nawala sa eksena si Bombita nang hindi makasama sa Motolite team noong last year.Isa pa, napuwersa ang Motolite na isalang sa free agency ang mga players nito. Ito ay dahil sa COVID-19 pandemic.
Kaya naman, nagpapasalamat si Bombita sa BaliPure dahil sa muling pagbibigay ng chance.
“Thankful ako sa management ng BaliPure, lalo na kay Sir Gil Cortez, na binigyan nila ako ng second chance.”
“Ang kinaganda sa BaliPure ngayon ay mas bata kami at mas magiging masaya ang samahan naming.”
Exciting kahit nakaka-challenge. Natutuwa ako na nasa isang liga na lang kaming lahat,” ani Bombita.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na