March 21, 2025

GRAPHIC DESIGNER AT ESTUDYANTE HULI SA P1.9-M KUSH, ECSTASY SA IMUS, CAVITE

KALABOSO ang dalawang suspek na tinaguriang mga High Value Individuals matapos mahulihan ng ng hinihinalang ecstasy, dahon ng marijuana o kush na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P1.9 milyon sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4A at ng PNP Maritime Police, sa isang subdivision sa Barangay Buhay na Tubig, Imus City Cavite.

Kinilala ang mga suspek  na sina alyas “Gi”, 26 na taon gulang, isang freelance graphic designer at alyas “Kirstein”, 21 anyos na isang estudyante.

Base sa ulat nakuha sa posisyon ng mga suspek ang sampung piraso ng knot-tied transparent plastic bags na may laman na 1000 piraso ng mga blue tablets na pinaghihinalaang ecstasy na nagkakahalaga ng P1,700.000.00., kasama ang mga high grade marijuana o kush at marijuana dried leaves na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P187,0000, mga drug paraphernalias at ang ginamit na drug buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Laws Dangerous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO)