January 23, 2025

GRAHAM LIM NG BAP KAY PRRD AT SEN. BONG GO

Higit isang taon na lang ang nalalabi sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero optimistiko pa rin si Graham Lim- top brass ng Basketball Association of the Philippines (BAP) na makararating at maaksiyunan ang matagal nang suliraning legal nito— upang maidepensa ang kanyang sarili dito sa bayan niyang sinilangan at makamtan ang kaukulang hustisya at karapatan.

Matagal nang kadaupang- palad at ka- basketbolan ni BAP secgen Graham Lim si

partikular sa balwarte ng huli sa Davao City.

Kuwento sa korner na ito ni Graham , noong palagi siya sa Mindanao higit dekada na ang nakararaan ,kapag may aktibidad ang Basketball Association of the Philippines na siya ang may timon;  tiyak na naroon siya sa Davao City para pangasiwaan ang mga BAP organized and sanctioned cage leagues. Laging may panahon si basketball enthusiast Go pati na ang alkalde noong si President( Mayor) Rodrigo Duterte with late Boy Kua, na magkaroon ng light moments kay BAP secgen Lim at nakakapaglaro pa sila ni SBG na isang asintado sa long range ( 3-point king) tulad din ni Glenn Escandor ng Royal Mandaya Hotel.

Masigla at matindi ang basketball actions sa Davao partikular ang kanilang inter- commercial leagues tuwing Kadayawan Festival at Araw ng Dabaw na parang PBA sa bugso ng datingan ng mga fans sa Almendras Gym tulad din ng mga aksiyon sa Cebu City sa pangangasiwa ng BAP.

Kaya si Graham ay kaibigang personal nina Sen.Go at PDigong. Noong Aquino administration nagkaroon ng matinding suliranin si Graham nang puwersahang isnatsin sa kanya ang timon sa basketball sa bansa at napunta sa mga OLIGARKO ang pangangasiwa kasabwat ang 2 kruk sa FIBA( world governing body sa basketball) na nag-disappear na sa mundo.

Noon din nadedbol ang grassoot basketball program dito dahil nagpokus sila sa elite basketball lalo na sa pag-import ng mga mestisong may gabuhok na dugong Pilipino daw at pag- naturalized ng mga Egoy bilang Pinoy para mabugbog lang sa international basketball scene.Ang kalakaran ay pinagkaperahan ng mga sumabit sa may hawak nang kumpas sa basketball at tumalikod ng katapatan kay Graham.

Ang matindi ay tiniyak ng mga power grabber na di magiging sagabal si Graham kaya binintangan siyang hindi Pilipino sa kanyang sinilangang Pilipinas at dineklara siyang blacklisted ng kalihim noon ng Katarungan na sa bilis ng karma ay siya namang nakakulong ngayon dahil sa kasalanan sa bayan na pataw sa kanya ng bagong panahon.

Nang mahalal si Mayor Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas lalo na nang maging Mambabatas si Senator Bong Go ay alam niyang ito na ang kasagutan sa kanyang dasal sa Maykapal at suminag ang liwanag ng pag-asa upang makawala siya sa karimlan at kalbaryong mawalay sa pamilya sa ‘Pinas bilang isang stateless daw na ipinataw sa kanya ng mga walang konsensiya.

Nais lang naman ni Graham na makauwi na sa lupang tinubuan na mula sa halos dekadang panunuluyan niya sa banyagang lupain Wish niya na maalis na ang blacklist status sa kanya ng mga konyo at dito sa Pilipinas ay mabigyan siya ng kaukulang due process para maipagtanggol anumang paratang sa kanya sa legal na pamamaraan.

Ang pitak na ito ay maging isa sanang epektibong tulay ng komunikasyon upang makarating sa kaalaman at mapukaw ang damdamin nina Pangulong Duterte at Senator Bong Go for humanitarian reason.Batid nating napakapresyoso ng bawat sandali kina PRRD at SBG.

Pero, optimistiko tayong darating ang sandali na mapagtuunan nila ng atensiyon ang isang Pilipinong nag-ambag din ng karangalan sa bayan sa kanyang abang kakayahan noon at handa pa ring maglingkod sa kanyang buong buhay at puso sa sandaling makamit na niya ang minimithing hustisya at iyan ay nararamdaman nating malapit na.ABANGAN! Para sa reaksiyon kumontak sa cp# 09199845253