December 24, 2024

GRACE POE: MGA PROYEKTO NG GOBYERNO DAPAT 24/7 OPERATIONS

ABALA ang mga workers sa pagkukumpuni ng EDSA-Kamuning flyover sa Quezon City bilang bahagi ng pagsasaayos at pagpapatibay ng naturang imprastraktura. (Kuha ni ART TORRES)

ISINUSULONG ni Senator Grace Poe ang 24/7 na operasyon sa lahat ng mga ginagawang proyekto ng pamahalaan upang sa ganoon ay mapabilis matapos at masayang ang pera ng taong bayan.

Ito ang nilalaman ng Senate Bill No. 2716 o kikilalanin sa tawag na Accelerated Infrastructure Delivery Act na inihain ni Poe na naglalayong round-the-clock na trabaho sa proyektong pinondohan ng pamahalaan lalo na ang proyekto sa imprastruktura, repair at maintenance ng mga kalye at tulay.

“By working tirelessly, day and night, we will expedite the completion of critical infrastructure projects, reducing delays and as a result, accelerating benefits to our communities. The measure will also ensure that our country will not incur any more penalties and purchase construction materials at terribly inflated prices due to such delays,” ani Poe, Chairman ng Senate Committee on finance.

Tinukoy ini Poe na noong 2017 ay naobliga ang Pilipinas na magbayad ng kabuuang 230.17  milyong piso bilang penalties at commitment fees dahil sa ang ilang ahensya ng pamahalaan ay nabigong sumunod sa construction timeline ng mga infrastructure projects.

Batay din sa pag-aaral ang pag-antala ng isang proyekto ay mas lalong nagpapahalaga sa halaga ng gastusin na nagreresulta ng dagdag na gastos.

Iginiit ni Poe na panahon na upang gumawa ng paraan ang mga mambabatas para mapigilan ang ganitong insidente.

“The millions of pesos that we will save through this proposed law can instead be reallocated to the government’s public services programs where they can make the most difference,” dagdag ni Poe.

Bukod sa panukalang 24/7 operations nais din ni Poe na matiyak na dapay at mayroong  sapat na kaligtasan, benepisyo at bayad sa mga manggagawa at tamang akomodasyon para sa mga manggagawa  kung kinakailangan.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbabayad ng tamang overtime, safety measures, at logistical requirements.

Iminungkahi din ni Poe ang pagkakaloob ng ensentibo s amga kumpanyang nais na lumahok dito upang sila ay higit na maenganyo.

Nagbanta din si Poe na sa sinumang ahensya na mapapatunayang sangkot sa pagkadelay ng kanilang mga proyekto ay dapat na bawasan ang kanilang taunang budget.

Samantalang ang sinumang kumpanya na matutukoy na nagpabaya ay dapat ding magkaroon ng pananagutan. “The proposed law aims to turn the Philippines into a leader in infrastructure development, showcasing our country’s ability to innovate, adapt, and adjust with the shifting tides. It sends a clear message to the world: our country is open for business, and we have the infrastructure to prove it,” pagwawaks ni Poe.