Naglabas ng advisory si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na nagbibigay ng grace period sa mga dayuhan na apektado ng flight cancellations noong Bagong Taon.
Ayon sa abiso ng ahensya, papaliwigin nito anvalidity ng mga Emigration Clearance Certificate o ECC ng mga apektadong banyaga sa bansa.
“’Yung mga naapektuhan na mga dayuhan dahil sa nangyaring cancellation noong January 1 at mga sumunod na araw, kung ang kanilang mga visa ay nag-expire na…nagpalabas si Commissioner Norman Tansingco ng advisory [na] magkakaroon ng waiver… na hanggang January 12 ay io-honor namin [basta’t] ipakita lang nila ang kanilang ticket na nakansela noong January 1 or onwards at ang kanilang boarding pass,” saad ni BI Spokesperson Melvin Mabulac.
Ang mga dayuhang lalagpas naman umano sa deadline na ika-12 ng Enero ay kailangan nang magpakita ng updated na visa para hindi magkaroon ng aberya sa kanilang pag-alis sa Pilipinas.
Inihayag naman ni Mabulac na ang naranasang pagdagsa ng mga paalis na pasahero sa NAIA Terminal 3 nitong Miyerkoles ng umaga ay maituturing na normal pa rin dahil sumabay ang mga recovery flights.
“Nakita natin ang mahabang pila kaninang umaga, ‘yun po ay resulta ng pagkasabay-sabay ng ating regular flights at ng ating recovery flights. Nangyari po ito dahil sa mga nangyaring cancellations natin due to the January 1 technical problem,” paliwanag ni Mabulac.
Nilinaw rin ni Mabulac na mayroon silang sapat na bilang ng mga immigration personnel sa airport para sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong apektado ng nangyaring aberya nitong Bagong Taon.
“Fully manned po tayo kanina… mayroon po kasi tayong backup na mga immigration personnel na kinuha natin sa ibang units natin. Kung mayroon mang mga tao tayo na hindi nakapasok, automatic po ‘yan may hahalili po sa kanila,” dagdag pa ni Mabulac.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY