Ipinahayag ni Mayor Toby Tiangco ang kanyang pag-aalala dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay maaari aniyang humantong sa pag-shutdown ng government services sa lungsod.
Ayon sa alkalde, lima sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para disinfection upang mapigilan ang pagkalat ng virus matapos ilan sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.
“Our barangay official and employees underwent swab test from March 13-19. Among those tested, 142 turned out positive, forcing us to close some barangay halls,” ani Tiangco.
“Because of the lockdowns, services of the barangays have been affected. There were fewer tanods to patrol alleys and streets, or garbage collectors to pick up wastes,” aniya.
“Even our city hall and the out-patient department of the Navotas City Hospital had to close down for two weeks due to COVID cases. If this continues, we will soon face the difficulty of providing basic services to our constituents,” sabi pa niya.
Inulit ni Tiangco ang kanyang panawagan sa publiko na sundin ang mga safety protocol tulad ng wastong pagsusuot ng face mask at face Shield, 1-2 meter social distancing, paghuhugas ng kamay, at pananatili sa bahay hangga’t maaari.
“We have confirmed cases of the more transmissible COVID variants – B117 or the UK variant and B1351 or the South African variant. We must double our efforts to keep ourselves and our loved ones safe from the disease,” paalala niya.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE