TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi lang sisibakin sa trabaho kundi sasampahan pa ng kaso ang mga opisyal ng gobyerno na tumulong kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo para makasibat ng bansa.
“All of those who are implicated…in assisting Alice Guo to leave the Philippines illegally as a fugitive from justice will certainly pay the price,” ayon kay Marcos.
“Ang tanong ‘nyo, sino ‘yung sisibakin? Hindi lang namin sila sisibakin, kakasuhan pa namin sila dahil ang kanilang ginawa ay labag sa batas at against all of the interests of the Philippine judicial system,” dagdag pa niya.
“Ang tanong ‘nyo, sino ‘yung sisibakin? Hindi lang namin sila sisibakin, kakasuhan pa namin sila dahil ang kanilang ginawa ay labag sa batas at against all of the interests of the Philippine judicial system,” dagdag niya.
Naging sentro sa kontrobersiya si Guo, 34, dahil sa pagkakasangkot sa Philippine offshore gaming operator (POGO) sa kaniyang bayan na sinalakay ng mga awtoridad at napag-alaman na pugad ng human trafficking, online scams at iba pa.
Sinasabing na isang Chinese spy si Guo, na nahaharap sa kasong human trafficking at money laundering. Nalantad din ang kanyang tunay na pagkatao sa pagdinig sa Senado.
Matapos ang pagkakaresto ni Guo sa Indonesia nitong madaling araw ng Miyerkules, sinabi ni Marcos sa recorded message: “Let this serve as a warning to those who attempt to evade justice. Such is an exercise in futility. The arm of the law is long and it will reach you.”
“This government continues in its duty to apply the rule of law. Ms. Guo shall be entitled to all legal protections due her under the laws of the land, and pursuant to our commitment to the rule of law. But we will not allow this to prolong the resolution of the case, whose outcome will be a victory for the Filipino people,” dagdag nito.
Una nang sinabi ni Marcos na maraming gugulong ang mga ulo kaugnay sa pagtakas ni Alice Guo, Una nang nadakip ang kapatid ni Guo na si Shiela sa Indonesia kasama si Cassandra Ong, na may kaugnayan din sa POGO sa Poroc, Pampanga.
Nasa kustodiya ngayon si Guo ng Indonesian authorities at inaasahang babalik sa Pilipinas, ayon sa Pangulo. Pinasalamatan din ni Marcos ang Indonesian government sa pakikipagtulungan para madakip si Guo.
“The close cooperation between our two governments has made this arrest possible,” dagdag niya.
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE