CEREMONIAL VACCINATION. Nagpakuha ng larawan si Jannet Dulu (ikalawa mula sa kaliwa), empleyado ng Luenthai International Group Philippines, Inc. kasama sina (mula kanan pakaliwa) CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan, DOH Secretary Francisco Duque, at Presidential Spokesperson Harry Roque matapos niyang matanggap ang unang dose ng Sinovac vaccine.
CLARK FREEPORT – Pinangunahan ng mga opisyal ng gobyerno at executives sa naturang Freeport ang isang ceremonial vaccination para sa mga essential workers.
Isinagawa ang symbolic vaccination activity ngayong araw, Hulyo 6, 2021, sa CDC-Luenthai Satellite vaccination site. Inorganisa ang naturang programa upang hikayatin ang mas maraming manggagawa sa Freeport at sa Region 3 na magpabakuna.
Samantala, mahigit sa 500 manggagawa mula sa Luenthai International Group Philippines Inc., isang locator sa nasabing Freeport at isa sa mga nangungunang manufacturers sa fashion at lifestyle apparel at accessories sa mundo, ang natanggap na ang kanilang first dose ng Sinovac vaccines. Nakipag-partner ang Luenthai sa Clark Development Corporation (CDC) para mabakunahan ang kanilang mga manggagawa. Umaasa rin ang kompanya na mabakunahan ang lahat ng empleyado nito sa mga susunod na araw.
Limang production unit personnel ng Luenthai ang unang nakatanggap ng bakuna sa ginanap na symbolic vaccination ceremony. Ito ay sina Juna Espinosa, Rosalyn Puno, Jannet Dulu, Mercedita Opong, at Michael Ignacio.
Mayroong 15,000 na manggagawa ang Luenthai sa Pilipinas, kung saan 3,900 sa kanila ay nagtatrabaho sa Clark at San Fernando, Pampanga. Mayroon din manufacturing sites ang kompanya sa Cebu, Tarlac at Bataan.
Pinuri ng mga pangunahing mga opisyal na kinabibilangan nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, Deputy Chief Implementer for National Task Force against COVID-19 Sec. Vivencio Dizon, Presidential Spokesperson Harry Roque, CDC Chairman Atty. Edgardo Pamintuan, CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan, Pampanga Governor Dennis Pineda, Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo, at Luenthai International Group Philippines Inc. President Francisco Sauceda ang nasabing event.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Gaerlan na kanilang ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa kanilang mga locator upang makamit ang herd immunity para sa mga empleyado na nasa loob ng Freeport na ito. Pinasalamatan din niya sina Duque at Dizon para sa kanilang suporta na mapadali ang paglulunsad ng bakuna rito.
“Thank you sir, for bringing the vaccines to CFZ. The locators and workers of the Freeport are very happy and lucky to be the recipients of the vaccines. I hope our workers would continue supporting our government, supporting the management of their respective companies. A lot of companies are struggling, but the only thing that we can do now is work together. I hope labor, management, and the government would continue working together to survive this pandemic,” dagdag ni Gaerlan.
Para sa kanyang bahagi, pinasalamatan naman ni Dizon ang pagsisikap ng medical front liners para sa rollout ng vaccination sa Freeport at Region 3.
“I would like to thank all our government workers, especially our health care workers led by RD Cora Flores, and all the members of DOH,” ani ni Dizon.
Nagpasalamat din siya sa local government officials at economic workers sa pagsuporta sa immunization drive ng pamahalaan.
Ayon kay Dizon, mayroon ng 12 milyong Filipino ang nakatanggap ng bakuna. “This is a testament to Mayor Cris (Garbo), Gov. Dennis (Pineda), and all our mayors throughout the country who have worked so hard to really ramp up our vaccination,” dagdag niya.
Mayroong limang hakbang ang proseso ng vaccination procedure. Ito ay ang registration, health education, screening, vaccine administration at observation.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA