November 3, 2024

Gov’t health workers: Nasaan na ang aming COVID hazard pay, allowance?

NAGSAGAWA ang labor union ng University of the Philippines (UP) ng isa pang “Black Friday” protest sa ngalan ng mga health workers na nakatalaga sa state-run Philippine General Hospital (PGH), na hanggang ngayon ay nahihintay pa rin ng COVID-19 hazard pay at special risk allowance na ipinangako ng pamahalaan anim na buwan ang nakalilipas.

Isinagawa ang protesta sa UP-PGH Oblation area ng All UP Workers Union, kung saan muling binigyang-diin ng mga PGH employees ang demand ng PGH employees na ibigay na ang kanilang daily P500 hazard pay at special risk allowance mula Marso hanggang Mayo.

“Six months have passed. Where is the COVID-19 hazard pay [and] special risk allowance?” mababasa sa isa sa mga placard na hawak-hawak ng isang nagpoprotesta.

Sa isang pahayag na inilabas sa social media nito noong Huwebs, sinabi ng union na hindi pa kumilos ang Department of Budget and Management sa hiling ng PGH para sa budget ng hazard pay at allowance para sa kanilang frontliners.

Nanawagan din ang unyon kay UP President Danilo Concepcion na maglaan ng tulong sa PGH kaungay sa nasabing benepisyo.