Pinaiimbestigahan na ng Pampanga Provincial Government ang magkaibang COVID-19 swab test result ng mga private laboratories at mga pampublikong laboratoryo sa lalawigan.
Ayon kay Pampanga Governor Dennis Pineda, nagtataka lamang s’ya kung bakit ang mga nagpositibo sa RT-PCR test sa mga private laboratories, ay nagnegatibo naman pagdating sa mga laboratoryong pag-aari ng gobyerno.
Bunsod nito, hinimok ng Pampanga LGU ang Department of Health (DOH), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at iba pang mga laboratoryo na imbestigahan ang pangyayari ito.
Nais ring malaman ni Pineda mula sa DOH kung nagkakaroon ba ito ng regular checking sa mga laboratory sa bansa upang malaman kung nasusunod ba ng mga ito ang tamang procedure sa pagsasagawa ng mga virus testing.
Samantala, umapela naman ang DOH sa mga lokal na pamahalaan na agad na magsumite sa kanila ng report sakaling may maobserbahan silang kakaiba sa mga laboratoryong nasa ilalim ng health department.
More Stories
GAS TANKER TRUCK SUMALPOK SA BODEGA, NAGDULOT NG SUNOG; 1 PATAY, 28 NAWALAN NG BAHAY
CICC: SCAMS ISUMBONG SA 1326 HOTLINE (Imbes ilabas ang galit sa social media)
BuCor magsasagawa ng mga aktibidad para sa kanilang ika-119 Founding Anniversary