Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang government securities-eligible dealers (GSEDs) sa kanilang mahalagang papel sa nation building sa pamamagitan ng pagtulong sa gobyerno na makalikom ng pondo at itaguyod ang financial inclusion ng mga Filipino.
Ang Government Securities Eligible Dealers (GSEDs) ay mga securities dealers na may lisensya mula sa Securities and Exchange Commission (SEC). Sila ay bahagi ng financial service industries na regulado ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), SEC, o Insurance Commission (IC).
Bilang bahagi ng kanilang tungkulin, sila ay may karapatan makilahok sa pangunahing auction ng government securities.
Sa taong 2024, nakatulong ang GSEDs sa paglikom ng P586.84 billion mula sa 30th retail Treasury Bond (RTB) sa kasaysayan ng bansa.
“This was the highest amount ever obtained of all our RTBs, fulfilling over a fifth of our financing requirement for the year in a cost-effective manner. For this historic feat, I commend our GSEDS, especially the top 10 of them, for relentlessly reaching out to our investing public, especially our retail sector and ordinary Filipinos,” ayon kay Recto sa kanyang opening remarks sa BTr 127th Anniversary and GSED Awarding Ceremony nitong November 12, 2024.
Kabilang sa top performers ang Metrobank at ilang pangunahing bangko sa bansa gaya ng BDO, BPI, China Bank, Citibank, DBP, Landbank, PNP, Security Bank at Standard Chartered bank.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA