SUGATAN si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. at ang kanyang staff habang patay naman ang apat nitong kasama, kabilang ang tatlong pulis makaraan pagbabarilin ng hindi mga kilalang mga suspek Kalilangan, Bukidnon.
Sa ulat na natanggap ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region, kinilala ang mga nasawi na sina Police Staff Sergeant Mohammad Jurai Mipanga Adiong, 40; Police Corporal Johanie Lawi Sumandar, 39; at Police Corporal Jalil Ampuan Cosain, 40.
Nasawi rin ang isang driver na kinilalang si Kobi.
Bukod kay Adiong, sugatan din ang tauhan niyang si Ali Macapado Tabao.
Patungo umano ang convoy ng gobernador sa Wao, Lanao del Sur dakong 4 p.m. nang mangyari ang pag-atake.
Dinala sa ospital si Adiong at kaniyang kawani sa provincial hospital sa Kalilangan.
Ayon sa kapatid ni Adiong na si Lanao del Sur Representative Zia Adiong, “out of danger” na ang gobernador.
“Through the grace of Allah (SWT), Gov. Bombit is in stable condition. The worst has passed. He’s out of danger, inshaa Allah,” pahayag ni Zia sa Facebook. “We are heartbroken over the deaths of his security details, all of whom are family members and relatives who were in convoy with my brother during the violent attack,” dagdag ng kongresista.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund