Iginiit ngayon ni Senador Richard J. Gordon na ang batas na kanyang inakda na naglalayong pigilan ang paggawa ng mga krimen ng mga riding-in-tandem’ ay hindi nagpapataw ng double metal number plates, o malisyosong tinutukoy bilang “dobleplaka” sa bawat motorsiklo.
Ayon kay Gordon, na chairman ng Senate justice and human rights committee, na ang Republic Act (RA) 11235, o Motorcycle Crime Prevention Act, ay naglalayong protektahan ang mga motorcycle riders at bibiktimahin ng riding-in-tandem.
“The law seeks to protect the general public, including motorcycle riders, from crimes committed using motorcycles as getaway vehicle, such as extrajudicial killings, and to give justice to the dead men who can tell no tales,” saad niya.
“Let’s not poison the minds of our people with misinformation and disinformation, and use the intent of the law as a political propaganda to fuel any misplaced ire of our motorcycle riders whose safety is our paramount concern,” dagdag niya.
Una nang sinabi Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na diskriminasyon lamang sa motorcycle riders ang “Motorcycle Prevention Act”.
“This is a misnomer because if one would carefully peruse the law’s implementing rules and regulations, it does not impose a metal number plate in the front of the motorcycle,” paglilinaw ni Gordon.
“Sticker o decal number plate ang ilalagay sa harapan ng motorcycle, hindi po metal number plate. This is obviously a fake news meant to gain brownie points among motorcycle riders. Let’s not use this law as a political propaganda,” dagdag niya.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS