November 24, 2024

GOOD MORNING TEACHER AT E.U.DE POOH!

PAMBIHIRA talaga itong bayan ni Juan.

Ang mamamayan dito que pobre o propesyunal man, para lang mapansin ng karamihan ay gagawa ng gimik o kadramahan kesehodang ikapapahiya ng bayan kahit sa mga dayuhan.

Isang klasik na eksampol dito  ay ang ginawang  bodabil ng mga guro sa Batangas na paepek na umaakyat pa sa bubong ng iskulbilding para makasagap lang ( kuno) ng signal upang makatupad  sa kanilang tungkuling makapagturo via blended learning na ipinagmalaki pa ng kanilang principal at bumandera pa sa mainstream at social media.

Alam naman ng may sapat na katinuan na iyon ay iskripted o drama lang  na sa totoong buhay ay kabalintunaan.

Kahit na ikaw ay taal na magsasakang sanay sa init ng araw ay di mo kakayaning makatagal ng kahit limang minuto lang upang sumagap ng signal dahil as init galing sa solar at singaw ng yero na babalandra sa iyo na mistula kang sisilaban sa kalbaryo.

Purong publicity o kaya ay may agenda upang ipahiya ang bayan sa ibang lahi na ang Pinoy ay napagi-iwanan at atrasado  sa  aspeto ng  teknolohiya para sisihin na naman ang gobyerno.Ala eh magsiayos nga kayong mga guro  diyan..Ganyan ba ang ituturo niyo sa inyong mga dicipulo?Ang  manaig ang kasinungalingan sa katotohan at ang buhay ay arte lamang?

Sinundan  pa ito ng rally ng mga papansing guro na mga miyembro ng makakaliwang ACT. ‘Di ba kayo napapagod o nagsasawa sa maling gawa lalo pa’ t ala namang nakikinig sa inyo kundi tulad ninyong walang inisip kundi bumagsak ang gobyerno. Behave na kayo… ACT naturally!

Naalala ko tuloy iyong nakakainsultong kuwento tungkol sa isang Pinoy na opisyal pa man din dito sa ating bayan na nag-turista sa lupain ng mga puti nang siya ay tanungin kung may escalator na sa ‘Pinas nang makasabay niya  sa mall ang linsyak na anak-araw na iyon. Akala nila ay gubat pa sa atin kaya laking gulat ng mga dayuhan pagdating naman dito  at nakakagala sila ng payapa at mangha sa Makati, Taguig at Ortigas business districts na may mga nagtatayugang skyscrapers katulad lang din sa bansa nila pati na ang mga imprastrakturang tapos na at itinatayo pa ng build, build, build project ng pamahalaan.

Iyong mga kagagawan ng mga traydor na Pilipinong inilalarawan ang Pilipinas na isang bansang walang kapayapaan, puro patayan at nakalibing na raw ang demokrasya sa ating bayang pinamumunuan daw ng  diktador at berdugo na pinaniniwalaan naman ng ilang mga bopols na  yumanrayts at E. U. de putsa pero iyong mga dayuhang nakarating na dito  ay manghang-mangha sa kapayapaan ng bansa sa pagsisikap ng  pamahalaan.

Kabaligtaran sa paniwala ng mga Estupidong Unyon dahil lang sa mga makapiling nagsumbong sa ibang lahi na wala naman dapat pakialam sa ating lipi.

Dahil sa mga taksil na atrasadong utak- talangka, linta, salot, anti-progress at sakim na ilang  kababayan, mahirap pa ring bigkasing ‘ PROUD TO BE A FILIPINO… ala eh, say n’yo?!! Gandang Umaga Titser!

LOWCUT: Good luck sa NorthPort Batang Pier  team sa kanilang kampanya sa PBA@45 Philippine Cup sa Clark. Mission possible ng tropa ni GM Erick Arejola ang mabungang conference na ang target ay best finish sa PBA Bubble sa timon nina team manager Bonnie Tan at head coach Pido Jarencio.Batang Pier, ready to conquer.. .ABANGAN!!!